Before I grew up I saw you on a cloud I could bless myself in your name and patch you on my wings---deemhie100%^^,v
WELCOME


welcome friends---and dee....*^_^*


pagmumunimuni---sa kawalan
Monday, January 23, 2006

nakita ko ang aking sariling tulala at mulala... walang masabi at walang maramdaman. sa unang pagkakataon naramdaman ko kung gaano kalamig ang yelo at kung gaano katigas ang bato. ang pagkakataon ay dumarating sa hindi inaasahang panahon. tila kamalasan na naman ang dala ng aking munting buhay.

sa silong ng aking natitirang pagsilay sa liwanang, nakita ko na masayadong mahirap ang buhay. ngunit kung ang sipi ng pagasa ay aking puputulin.......... kawalan ang kahahantungan ko.




walang dapat makabasa. walang dapat makarinig. walang dapat makaalam.





ang pagiisip ko ay para sa akin lamang. pilit na kinukubli para sa sariling kapakanan.





walang dapat makabasa. walang dapat makarinig. walang dapat makaalam.





na ang aking pighati ay dumadating sa malapit na katapusan. ang baga ko'y nais lumanghap ng hangin. maging malaya at lumpiad ng matuwid.





walang dapat makabasa. walang dapat makarinig. walang dapat makaalam.






ang tunay na saloobin na nais marating. dalhin nawa ng alitaptap ang aking hiling. pakinggan nawa ng bitwin. silipin ng mga anghel... sa pagtatapos ng takip silim....





walang dapat makabasa. walang dapat makarinig. walang dapat makaalam. walang dapat makaramdam.




pagmumuni ---sa kawalan.

writtern @6:57 AM