kung maari lang sana...
Wednesday, January 18, 2006
kung maari lang sana makalimot sa mga nagdaan, ako na yata ang pinaka masayang tao sa buong mundo.... subalit sa aking palagay, kung magiging ganun man ang takbo ng buhay ko.... marahil napakasalimoot noon.... ang tao ay hindi makatatakas sa nakaraan. bagkus, sa kabila ng pagtakbo.... hindi ito aalis sa likuran mo. ang maaring gawin ay tumalikod at harapin ang nasasabing tinatakbuhan.......at sa tagumpay ay lumingon sa liwanag ng hinaharap.
madaling sabihin at gumawa ng tila matalinhaga na salita. ngunit kapag ito'y ginawa, napakahirap. tinanaong ko sa aking sarili bakit napakahirap kumilos? sala kaya ito ng poot na nadarama? o hindi naman kaya pagkabanas sa sariling kahinaan? o baka naman kawalan ng pagasa? hindi ko matukoy kung alin dito ang aking nararamdaman.
sa aking paghahanap, nakita ko na sadyang naiinis lang ako sa sarili ko. kung bakit naman ako ginawang ganito. napkalaki ng binigay sa akin ngunit aking tinatakwil. ganito na ba ako? tila isang bulag sa mithiin. patuloy na naglalakad ngunit walang makita? ako'y lubos na nalulungkot sa kung anong ginagawa ko ngayon. kung maaari lang sana umikot ang panahon. ngunit huli na ang lahat para umikot ito pabalik.
nanaiisin ko na maging masaya ang aking buhay. ngayon....nais kong kumilos ng malaya. bigyang pakpak at lumangoy sa himpapawid. lasapin ang lamig ng hangin at ang sariwang amihan na pumapagaspas sa aking pisngi. nais kong madama ang pagkaripas ng hangin...........
sadyang kalayaan ay mahirap makamit..... na ang tanging tulay ay nasa kamatayan. sadyang nakakatakot na pangitain na nagbibigay kasiyahan.
sa kabila ng aking mithiin ngayon ay ako parin ay nasa lupa. gumagalaw at patuloy na hinahatak ng grabity. patuloy na iikot ang mundo. patuloy na hihinga ang tao. patuloy na iiyak ang sanggol at patuloy na kikilos and lahat ng bagay. sa ngayon, pagsabay sa agos ang aking magagawa.... at..... gumising sa umaga na punong puno ng pagasa.............................